Valdez, Gumabao, Daquis nagsilbing coach kay Alex G.
- Published on February 6, 2021
- by @peoplesbalita
UMAKTONG indoor volleyball coaches sina stars Alyssa Valdez at Michele Therese Gumabao ng Premier Volleyball at Rachel Anne Daquis ng Philippine SuperLiga.
Kaugnay ito sa latest vlog ni celebrity vlogger at host Alex Gonzaga na pinaskil niya sa social media
May 15-minute video na tinituluhang “Playing Volleyball by Alex Gonzaga” na masisilayan sa YouTube. Makikita ang tatlong beteranang balibolista at celebrity sa ilang sport moves bago bumanat ng aktuwal na laro.
Lumampas na sa 2,100,000 ang views sa ngayon ng vlog na kinaaliwan naman ng mga sport fan.
Magbabalik sa aksyon sa buwang ito ang semi-professional PSL sa pamamagitan ng Beach Volleyball sa Challenge Cup sa Subic, Zambales.
Nasa radar naman ng PVL na isa ng pro, na mag-training camp bubble mula sa Abril sa Calamba, Laguna bago mag-Calambubble tournament sa Mayo.
Magkatropa sa Choco Muchong FlyingTitans sina Valdez at beauty queen Gumabao, samantalang sa Cignal HD Spikers humahambalos si Daquis. (REC)