• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 9:15 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Utos ni PBBM sa BOC, ipagpatuloy ang ‘warehouse raids’ para labanan ang hoarding, illegal rice imports

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Bureau of Customs (BOC) na ipagpatuloy lamang ang raids o isang bigla at hindi inaasahang pagsalakay sa mga  warehouse o bodega para tugunan ang usapin ng hoarding at illegal rice importation. 
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni  Customs Commissioner Bienvenido Rubio na ang naging direktiba ni Pangulong Marcos sa  BOC ay para i-validate ang lahat ng  warehouse na nag-iimbak ng imported rice at  kagyat na magpalabas ng  letters of authority para inspeksyunin ang mga nasabing warehouse.
“We will be conducting more inspections of these warehouses. The inspection and visitation will be coordinated with other agencies like the DA (Department of Agriculture) and DTI (Department of Trade and Industry).” ayon kay Rubio.
Nito lamang Agosto 25, sinabi ng BoC na pansamantala nitong kinandado at binantayan ang tatlong  warehouse na matatagpuan sa loob ng Intercity Industrial Complex sa Balagtas, Bulacan,  napaulat na  nagtatago at nag-iimbak ng smuggled rice na nagkakahalaga ng  ₱505 milyong piso.
Ani Rubio, ang mga may-ari ng bodegang  ito ay binigyan lamang ng hanggang Setyembre  8  para magpakita ng “proof of payment” ng  duties at taxes  para sa  rice importation.
“Pag hindi nakapagbigay ng correct payment of duties and taxes, magkakaroon ng issuance of warant of seizure and detention na magbibigay ng authority para ikumpiska ang imported articles stored in the warehouses,” aniya pa rin.
Ang mga naturang warehouse ay naglalaman ng 202,000 sako ng imported rice grains na napaulat na nagmula pa sa  Vietnam, Cambodia, at Thailand.
Tinuran ni Rubio na hindi siya makabigay ng konklusyon kung ang nabanggit na produkto na nakaimbak sa warehouse ay intensyong itago.
“BOC’s authority only extends to whether the sacks of imported rice are paid with the correct duties and taxes,” ani Rubio.
“This comes after Marcos ordered the close monitoring of rice prices in markets and said he “will go after hoarders and price manipulators who take advantage of the lean months before the harvest season,” ayon sa  Presidential Communications Office (PCO)  nito lamang Agosto 16.  (Daris Jose)