• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 10:49 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Utang dadatnan ni Isko Moreno sa kanyang muling pag-upo sa Maynila 

SINABI ni incoming Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang malaking ‘unpaid debts’ na kanyang dadatnan sa kanyang pag-upo sa Hunyo 30 .
Base sa inisyal na report, ibinulgar at idinetalye ni Domagoso ang umano’y mga hindi pa babayarang commercial o supplier debts na hindi binayaran ng kanyang papalitang administrasyon.
Nagpahayag ng seryosong pag-aalala si Domagoso sa aniya ay matinding pagpapabaya sa paghawak ng mga obligasyong ito.
“Ang tanong, may corruption ba? Hindi ko pa masasagot yan for now kasi ayokong mag-judge ng tao. Ang ginagawa ko lang, nag-a-assess ako base sa facts,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Domagoso na malinaw na senyales ng malalang kapabayaan ng mga responsibilidad kung totoo ang mga hindi nababayarang utang na ito.
Nagtungo na rin sa Manila City Hall ang kanyang transition team para mangalap ng mga kakailanganing dokumento para sa maayos na pagsasalin ng liderato.
Sa nasabing report at dokumentong natanggap ng incoming mayor, sinasabing nasa 8-11 bilyong piso ang iiwang unpaid commercial obligation ng outgoing mayor.
Ang mga bayaring ito ay mula sa mga commercial obligation na kinuha ng lungsod sa panahon ng kasalukuyang administrasyon at hindi pa nila binabayaran hanggang sa ngayon kahit mayroong pondo na nakalaan para dito.
Kabilang rito ang janitorial, security at mga sa supplier ng gamot, at cakes kaya naman malaking katanungan ngayon kong saan napunta ang pera ng lungsod.
Gayundin ang office supplies, kontrata sa basura,kuryente at tubig, manpower services at marami pang iba.
” I just found out a few days ago the supplier of cake under their watch was not paid [for] 19 months– 145 million pesos. [Sa guwardiya [ay] 110 million pesos ,[at] gamot is about 1.4 billion pesos. There’s so much negligence”, pahayag ni Domagoso.
Dagdag pa ni Yorme na mayroong mga Certificate of Availability of Funds (CAF) o nakalaang pondo para dito ngunit hindi napunta ang pera sa mga dapat bayaran na obligasyon ng lungsod.
Nangako naman ang incoming mayor na aayusin niya ang mga isyung ito nang may transparency at accountability.(Gene Adsuara)