• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

User ng TikTok account sa assassination plot vs BBM, tukoy na ng PNP

NATUKOY  na ng Philippine National Police (PNP) ang user ng TikTok account na nag-post ng video tungkol sa umano’y assassination plot laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

 

 

Sa press briefing, inatasan ng PNP Chief ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) na ipagpa­tuloy pa rin ang imbestigasyon para sa posibleng pagsasampa ng kaso sa korte, depende sa mga nakalap na ebidensya.

 

 

“Identified na po ‘yung gumamit ng TikTok”, ani Carlos.

 

 

Sa ngayon aniya, tuluy-tuloy ang digital trail at sakaling sapat ang ebidensiya, maisasampa ang kaso at makapagpalabas ng warrant of arrest laban sa nasabing indibiduwal.

 

 

Hindi pa nagbigay ang hepe ng PNP ng mga karagdagang ukol sa pagbabanta kay Marcos.

 

 

Nilinaw nito na hindi lamang assasination plot ni dating senador Bongbong Marcos ang kanilang inaasikaso kundi maging ang dinudulog ng iba pang kandidato.