• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 9:39 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

US tennis star Coco Gauff pasok na sa ikatlong round ng Australian Open

PASOK na sa ikatlong round ng Australian Open si US tennis star Coco Gauff.

Ito ay matapos na talunin niya si Jodie Burrage ng United Kingdom sa score na 6-3, 7-5.

Hawak na ni Gauff ang kalamangan 3-1 sa ikalawang set subalit nagawa pang lumaban ang Londoner tennis player at naitala ang 5-3 sa kaniyang serve.

Inamin nito na isang malaking hamon sa kaniya ang Rod Laver Arena dahil sa nakapagtala ito ng double-faulting sa kaniyang serve.

Susunod na makakaharap nito sa ikatlong round si Leyla Fernandez ng Canada.

POC maagang naghahanda para sa iba’t ibang torneo

ITINALAGA  ng Philippine Olympic Committee si PBA Chairman Ricky Vargas bilang magiging chef de mission ng Los Angeles 2028 Olympics.

Isinagawa ang pagtatalaga sa ginawang kauna-unahang general assembly ng POC.

Habang si Dr. Jose Raul Canlas ay itinalaga na mamuno sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Thailand.

Ilan sa mga itinalaga ay si Al Panlilio na mangangasiw ng Aichi-Nagoya 2026 Asian Games habang si Represetatives Richard Gomez ay siyang bahala sa Milano Cortina 2026 Winter Olympics at si Stephen Arapoc naman ay itinalaga sa Chengdu 2025 World Games.

Si Richard Lim ng Karate ay chef de mission ng Asian Winter Games sa Harbin na magsisimula sa Pebrero 7 hanggang 14.

Sinabi ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na mahalaga ang maging handa ng maaga para walang magiging palusot sa mga performances ng mga atleta ng bansa.