• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

US donation single dose na Johnson and Johnson, inaasahang darating ngayong buwan sa bansa

INAASAHANG darating ngayon buwan sa bansa ang nasa 3,024,000 single dose na Johnson and Johnson na donasyon ng Estados Unidos at ipadaraan sa COVAX facility ang parating ng bansa ngayong buwan.

 

Sa naging pag-uulat ni Vaccine csar Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sinabi nito na bahagi ito ng inaasahang 16 doses na paparating ngayong buwang ito.

 

“Mr. President, ito po ang padating na mga bakuna. At ang magandang balita po, humigit-kumulang sa 16 million na vaccine ang darating ngayong July mula sa Sputnik, AstraZeneca, iyong Japanese donation po, iyong COVAX, iyong Moderna, iyong private sector procurement na AstraZeneca, ‘yong Sinovac at saka po ‘yong Pfizer,” ayon kay Galvez.

 

“Ang malaking inaasahan po natin ay ang pagdating ng US donation through COVAX na J&J na 3,024,000 na single shot na parang 6 million doses ang katumbas nito. Ito po ay ipapamahagi natin sa mga senior citizens at may mga comorbidities,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya pa, nakikipag-usap na siya sa Department of Health at mula dito ay matiyak na lahat ng rehiyon ay makakatanggap ng J and J vaccine ng hindi bababa sa 1 daang libong doses sa kada region.

 

“Ang gagawin po namin, nag-usap po kami ni Usec. Cabotaje na sa inyo pong direktiba na magkaroon po ng equitable distribution. Ito pong ano ‘yong sa COVAX na J&J bibigyan po natin ang region na — at least ang pinakamababa po is 100,000 doses per region para equitable po,” ani Galvez.

 

“And then later on, ‘yong remaining 1.2 million idi-distribute natin po based on the population at sa master listed na A2 at saka A3. Ang — ‘pag natanggap na po natin ang ano po, ang lahat po ng ano, mga deliveries natin sa July ay humigit-kumulang po ito na 16,205,240 doses. At pagka natanggap na po natin lahat ito, by the end of July ay mayroon na po tayong 33,660,710 doses,” anito.

 

Tiniyak ni Galvez na prayoridad na maipamahagi ang nasabing single dose vaccine sa mga senior citizens at may mga comorbidities.

 

Bukod sa JandJ ay paparating din ang iba pang brand ng bakuna na Moderna, AstraZeneca, Sinovac at Pfizer. (Daris Jose)