• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:44 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Upang protektahan ang tiwala ng publiko… Rep. Ferdinand Martin Romualdez, nagbitiw sa puwesto bilang Speaker of the House 

INIHAYAG ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kanyang pagbaba bilang lider ng Kamara.
Ayon sa Leyte representative, ang kanyang desisyon ay upang protektahan ang tiwala ng publiko at hayaan ang Independent Commission for Infrastructure na ituloy ang imbestigasyon nito ng walang impluwensiya mula sa mataas na lider.
“Mga minamahal kong kababayan, with humility and gratitude, I address you today (Wednesday). Together with my colleagues, we worked hard to pass reforms that put food on the table, created jobs, expanded education, and strengthened healthcare. These are milestones that will stand beyond my time as Speaker, and I will always be proud of what we have achieved as your people’s House,” ani Romualdez.
Idinepensa naman ng outgoing Speaker ang kanyang integridad at iginiit na ang kanyang desisyong magbitiw ay hindi isang pag-amin na may ginawa siyang mali o masama.
“Let me be clear: Wala akong kasalanan at wala akong itinatago. Ang tanging layunin ko ay maglingkod at magpabuti ng buhay ng bawat pamilyang Pilipino. Yet I also know that when questions arise, it is the people’s trust that must always come first,” giit nito.
“Masakit man sa akin, I am stepping aside so that the independent investigation may proceed freely—without pressure, without influence, and without fear. This is not surrender, but conscience. Ginawa ko ito dahil naniniwala ako na ang tunay na paglilingkod ay ang pagpapahalaga sa tiwala ng taumbayan higit sa anumang posisyon,” paliwanag nito.
Idinagdag nito na umaasa siya na ang kanyang naging aksyon ay makakatulong para palakasin ang tiwala sa democratic institutions.
“This is not farewell, but a reaffirmation of service. I will continue to serve as Representative of Leyte, and as a servant of the Filipino people. My faith in due process, in our democracy, and in you—our people—remains unshaken,” dagdag nito. (Vina de Guzman)