• April 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

UP, NU ayaw bumitaw sa unahan

PATULOY  ang pagsosos­yo ng nagdedepensang University of the Philippines at National University sa liderato sa UAAP Season 85 men’s basketball tournament.

 

 

Ito ay matapos talunin ng UP ang University of the East, 84-77, at gibain ng NU ang De La Salle University, 80-76, para sa magkatulad nilang 5-1 record kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

 

 

Isang 15-3 bomba ang inihulog ng Fighting Maroons sa fourth quarter para itayo ang 69-58 kalama­ngan sa 6:13 minuto.

 

 

Ngunit naputol ito ng Red Warriors, may  3-3 marka ngayon, sa 77-80 agwat mula sa dalawang sunod na triples ni CJ Payawal at layup ni Nikko Paranada sa natitirang 15.3 segundo.

 

 

Tumipa naman si Steve Nash Enriquez ng 16 points, 3 rebounds at 2 assists para pamunuan ang pagsakmal ng Bulldogs sa Green Archers (3-3), habang kumolekta si John Lloyd Clemente ng 16 points at 10 boards.

 

 

“Hopefully coming to second round, improve pa,” ani coach Jeff Napa. “We have to take care like our next game against FEU.”

 

 

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng NU na winakasan din ang kanilang 10-game losing skid sa La Salle simula noong 2015.

 

 

Nauna nang tinapos ng Bulldogs ang kanilang five-year slump sa Fighting Maroons.

 

 

Samantala, umiskor si Kai Ballungay ng season-high na 21 points para sa 76-55 pagdagit ng A­teneo Blue Eagles (4-2) sa  A­damson Falcons (2-4).