Unregistered SIM cards hanggang Hulyo 25, madedeactivate na – DICT
- Published on July 26, 2023
- by @peoplesbalita
SINABI ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na mawawalan ng connectivity ang mga indibidwal na hindi nakapagrehistro ng kanilang Subscriber Identity Module (SIM) pagsapit ng alas-12:01 ng Hulyo 26.Kapag na-deactivate ang isang SIM, sinabi ni Uy na mawawalan ng access ang isang user sa kanilang numero.
Ang mga user ay hindi makakatawag o makakapag-text at mawawalan din sila ng access sa kanilang mga e-wallet.
Kung matatandaan, noong Oktubre 10, 2022, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Republic Act No. 11934, An Act Requiring the Registration of Subscriber Identity Module (SIM), o ang SIM Registration Law.