• April 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Unilab at Mercury Drug, nagdiriwang sa ika-80 taon: GARY at BINI, tampok sa star-studded concert na ‘Alagang Suki Fest 2025’

NGAYONG 2025, ipinagdiriwang ang isang espesyal na okasyon dalawa sa pinakamarkado at pinagkakatiwalaang healthcare brands sa Pilipinas, ang Unilab at Mercury Drug, ay magdiriwang ng kanilang ika-80 anibersaryo!
Para ipagdiwang ang walong dekada ng tunay na “alaga,” magkakaroon sila ng engrandeng thank-you party para sa mga Pinoy ng iba’t ibang henerasyon: ang Alagang Suki Fest 2025, isang one-night-only concert na magaganap sa July 31, 2025, 5PM, sa Smart Araneta Coliseum.
Level-up na selebrasyon ng musika, komunidad, at pag-aalaga, ang Alagang Suki Fest 2025 ay magdadala ng star-studded na lineup ng mga performers. Kasama rito ang sikat na alternative rock band na Mayonnaise, mga patok sa Gen Z na sina Maki at Darren Espanto, ang P-Pop powerhouse at tinaguriang “Nation’s Girl Group,” BINI, at ang walang kupas na OPM icon na si Gary Valenciano.
Naikuwento ni Ms. Claire D. Papa (Asst. Vice President, Corp. Branding and Social Media Partnerships) na super happy sila sa BINI dahil effective silang endorsers ng iba’t-iba produkto tulad ng Enervon Z+.
Matagal na “suki” man o baguhan, ang concert na ito ay iyong pagkakataong makikanta, sumayaw, at magpasalamat kasama ang Unilab at Mercury Drug na tumulong at nag-alaga sa mga Pilipino sa loob ng 80 taon.
Ang milestone event na ito ay isang pagdiriwang ng katatagan ng Pinoy sa buhay at negosyo, kalusugan, komunidad at bayanihan. Nang magsimula ang taon, sinimulan ng Unilab ang kanilang 80th anniversary celebration sa PhilSports Arena kasama ang mahigit 4,000 empleyado at mga partners.
Doon, ipinahayag ng Unilab ang kanilang layunin ang magpatuloy na maging isang healthcare leader na handa sa pagbabago at modernisasyon. Ngayon, nagsanib-puwersa ang Unilab sa Mercury Drug upang magbigay ng saya at pasasalamat sa kanilang loyal customers sa pinakamaalaga at masayang paraan.
Ang mga miyembro ng Alagang Unilab Rewards at nagmamay-ari ng Mercury Drug Suki Card ay maaaring makakuha ng libreng tickets para sa Alagang Suki Fest 2025.
Narito ang mga hakbang para makuha ang tickets:
1. Bumili lamang ng mga kasaling Unilab OTC products gaya ng (Immunpro, Enervon, Ceelin, Biogesic, Alaxan at iba pa) sa kahit saang Mercury Drug branch nationwide. Mag-ipon ng minimum na 100 points mula sa pagbili.
2. Gamitin ang inyong Mercury Drug Suki Card.
3. I-upload ang resibo gamit ang Alagang Unilab Rewards Facebook Messenger; hanggang tatlong resibo lamang ang maaaring i-upload kada araw.
4. Matapos i-upload ang resibo, makakakuha ka ng unique offer code na gagamitin para sa pag-claim ng iyong e-ticket sa TicketNet online.
Maaaring makakuha ng hanggang tatlong (3) tickets bawat myembro ng Alagang Unilab Rewards- oo, puwedeng isama ang barkada!
Ang promo ay magaganap mula May 23 hanggang July 20, 2025, o hanggang mayroon pang ticket.
Mula sa simpleng medicine cabinet hanggang sa bonggang entablado, ang Unilab at Mercury Drug ay palagiang nagbubuhos ng pagmamahal. Saksi ang 80 taon sa kanilang pag-aalagang tunay at nagtatagal.
Para sa buong detalye ng promo at listahan ng mga participating Unilab OTC products, bisitahin rewards/alagang-suki-fest angĀ https://www.unilab.com.ph/alagang-unilab-
(ROHN ROMULO)