• October 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Unang Ginang Liza, nakiisa sa global child-tech coalition ni Melania Trump

NAKIISA si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa global coalition na pinangunahan ni United States (US) First Lady Melania Trump

Hangad ng koalisyon na palawakin ang access ng mga kabataan sa teknolohiya at edukasyon habang pinoprotektahan ang mga ito mula sa panganib sa online.

Inanunsyo ni Unang Ginang Liza ang kanyang partisipasyon sa “Fostering the Future Together” coalition matapos dumalo sa isang luncheon kasama si Trump at kapwa First Spouses sa St. Regis Hotel sa New York, araw ng Martes.

“Happy to join First Lady Melania Trump and fellow First Spouses for the ‘Fostering the Future Together’ luncheon,” ang sinabi ni Unang Ginang Liza sa isang social media post, araw ng Miyerkules.

Aniya, ang koalisyon ay mayroong iisang layunin at iyon ay tiyakin na ang mga kabataan ay mayroong oportunidad na “learn, grow and thrive” habang nananatiling ligtas at protektado sa lalong tumataas na digital world.

“Here’s to building a safer, brighter and more hopeful future for all children — especially our young Filipino youth who have fallen victims to all these creepy websites,” aniya.

Ang inisyatiba, inilunsad ni Trump sa isinagawang 80th United Nations General Assembly noong 2025, pinagsama-sama ang mga First Spouses at lider para i- promote ang kapakanan ng mga kabataan sa pamamagitan ng edukasyon, inobasyon at teknolohiya.

Naka-pokus ang koalisyon sa larangan ng artificial intelligence sa edukasyon, education technology tools, online safety at protection, at digital literacy. Hangad din nito na pangasiwaan ang partnerships sa pagitan ng gobyerno at technology companies para palawakin ang access sa tools para sa mga bata, magulang at mga tagapagturo.

Napaulat na magho-host si Unang Ginang Liza sa “Fostering the Future Together” event sa panahon kung saan ay magho-host ang Pilipinas sa ASEAN Summit bago matapos ang taon.

Sinabi naman ng White House na ang koalisyon ay mayroong 57 member nations, na may First Spouses na tumutulong sa kani-kanilang gobyerno para galugarin ang technology-based educational opportunities at mga hakbang para protektahan ang mga kabataan mula sa online. ( DARIS JOSE)