• April 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Unahin ang ‘ flood response’, hindi ang SONA- PBBM

KAAGAD na ipinatigil ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lahat ng paghahanda para sa kanyang pang-apat na State of the Nation Address (Sona) na nakatakda sa araw ng Lunes, Hulyo 28 kasunod ng ulat na namataan na abala ang ilang DPWH personnel sa pagkakabit ng mga tarpaulins para sa nasabing event sa kahabaan ng ilang kalsada sa Metro Manila.

Sa isang kalatas na ipinalabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sa ngalan ni Pangulong Marcos, na nasa Estados Unidos para sa kanyang three-day official visit, nagpahayag ng pagkadismaya si Pangulong Marcos sa sitwasyon. Binigyang diin na ang lahat ng mga pagsisikap ng pamahalaan ay dapat na ituon sa ‘flood response at relief operations.’

“Let me be clear: all Sona-related preparations are hereby ordered immediately suspended. The Department of Public Works and Highways (DPWH), along with all concerned agencies, must put full attention and exclusive focus on flood response and relief operations,” ayon kay Bersamin.

“The Presiden’s directive is to focus all efforts on ensuring the safety and welfare of the Filipino people, especially during times of crisis. All government agencies are expected to act accordingly,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, sa isang recorded video message, tiniyak ni Pangulong Marcos sa mga naapektuhan ng matinding pagbuhos ng ulan at mataas na pagbaha na paparating na sa kanila ang tulong mula sa gobyerno.

Hinikayat din ni Pangulong Marcos ang mga ito na sumunod lamang sa instructions mula sa kani-kanilang local government units (LGUs) para manatiling ligtas.

“To my fellow Filipinos, before we left Manila to go to the United States for an official visit with the President of the United States, President Trump, I had already given instructions to all our agencies to prepare for the flooding caused by the heavy rains,” ayon sa Pangulo.

Inanunsyo rin ng Chief Executive na inihahatid na ang relief goods at naka-standby naman ang medical team upang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

“We are also making sure that transportation is available and of course, that there is an adequate supply of water and electricity—all of this is to meet the needs of those affected by the flooding and heavy rains,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“My only request is that you please listen to the advisories issued by your LGU and the national government and kindly follow them so we can ensure that you are not put in danger,” aniya pa rin.

Samantala, mahigit sa 1.27 milyong pinoy ang apektado ng masamang panahon sa lahat ng 17 rehiyon sa buong bansa simula pa Hulyo 16. (Daris Jose)