Umuwi ka na at harapin ang kaso, hamon ng mambabatas kay Roque
- Published on March 22, 2025
- by @peoplesbalita
ITO ang hamon ni House Assistant Majority Leader at Taguig City Rep. Pammy Zamora kay dating presidential spokesperson Harry Roque.
Ayon sa mambabatas, dapat agadnang umuwi ng Pilipinas si Roque at harapin ang mga kasong kinakahatap sa halip na manatili sa ibang bansa sa pagkukunwari umano na nagbibigay suporta kay dating Presidente Rodrigo Roa Duterte saInternational Criminal Court (ICC).
Inakusahan pa ni Zamora si Roque na sinasamantala umano ang kaso ni Duterte para sa pansariling interes.
Mismo aniyang si Vice President Sara Duterte ang nagpahayag sa publiko na hindi bahagi si Roque ng legal defense ng kanyang ama.
“Tutal hindi ka naman pala magiging abogado ng dating Pangulo. Harry, umuwi ka na at harapin mo ang mga kaso mo dito sa ating bansa. Hindi mo matatakasan ang batas sa pamamagitan ng pagpunta sa ibang bansa. Suddenly appearing out of hiding to join the ICC proceedings isn’t heroism—it’s pure political theater,” ani Zamora.
Unang inihayag ni Roque, na nagpakita sa Netherlands, na plano niyang mag- apply para sa political asylum, dala na rin sa pagiging bahagi nito ng defense team ni Duterte sa ICC.
Ngunit, tinuligsa maman ni Zamora ang timing at authenticity ng naturang hakbang, kasabay na rin sa kinakaharap na kaso at isyu ni Roque sa Pilipinas.
Nasangkot ang dating spokesman sa isyung may kaugnayan sa Lucky South 99, isang Philippine offshore gaming operator (POGO) na naka-base sa Porac, Pampanga.
Dagdag pa aniya ang cited for contempt ng House Quad Comm na ipinalabas noong September 2024 dahil sa kabiguan nitong magsumite ng mga importanteng dokumento sa imbestigasyon sa POGO.
“Harry Roque owes it to the Filipino people to return home and face the music. Only then can justice truly prevail, free from opportunistic grandstanding abroad.” pagtatapos ng mambabatas. (Vina de Guzman)