• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Umento sa suweldo ng mga guro inihirit

ISINUSULONG ni ACT Teachers Rep. France Castro ang karagdagang suweldo sa hanay ng mga guro na hangad nitong maisama sa mga prayoridad na panukalang batas sa ika -19th Congress.

 

 

Sinabi ni Castro na napag-iwanan na ang suweldo ng mga guro kumpara sa mga nurse, pulis at militar pero tambak pa rin ang trabaho ng mga ito sa loob at labas ng kanilang mga classroom.

 

 

Ayon kay Castro na masyadong maliit ang suweldo ng mga guro kumpara sa mga pulis at sundalo na itinaas ng nakalipas na administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa 50 % hanggang 100 %.

 

 

Sinabi ng mambabatas na House Bill 203 ay isang refiled bill na naglalayon para itaas ang sweldo ng mga guro na may teacher 1 positions mula sa salary grade 11 to 15.

 

 

“The latest adjustment of salaries through the Salary Standardization Law 5 by no means addressed the disparity between salaries of those in the low- and middle-level salary grades who comprise majority of the civil service–and those in the managerial levels and especially of top level officials”, ayon sa lady solon.

 

 

Inihayag ni Castro bilang mga education frontliners ay ang mga guro ang nagsisilbing “backbone ‘ sa pagpapatuloy ng edukasyon sa kabila ng 2 taong blended distance learning ng DepEd na konti lamang ang naging suporta mula sa gobyerno sa gitna na rin ng COVID 19 pandemic. (Daris Jose)