• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Umaasa na magka-baby na agad sila ni Dr. Reginald CARLA, nag-joke na five weeks na lang ay mabi-beat na ang record

UMAASA na raw ang bagong kasal sina Kapuso actress na si Carla Abellana at Dr. Reginald Santos magkaroon na agad sila ng anak.Turning 40 years old na pala si Carla sa June 12, kaya naman gusto ng mag-asawa na makakabuo agad sila sa honeymoon sa Europe.Inamin din niya na kino-consider din nila ni Reginald ang in vitro fertilization o IVF.“Hopefully, makapag-start na kami mag-build ng family, if God permits. ‘Yun ang focus bilang, of course, the clock is ticking din.“Magpo-40 na ako this year,” say ni Carla sa panayam ng “24 Oras.”Rebelasyon pa ni Carla, nagpa-freeze na siya ng kanyang eggs, “Let’s say, hirap man kami na mag-conceive naturally, at least merong ganu’ng backup, merong ganu’ng option.”Nagkuwento rin si Carla sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” tungkol sa intimate wedding nila ni Dr. Reginald noong December 27 sa Alfonso, Cavite.Na kung saan umiyak ang groom, na maging si Carla ay hindi niya ini-expect, kaya nagulat silang lahat.“Parang high na high ka pa from the wedding. Nandoon pa rin ‘yung excitement, ‘yung adrenaline. Ikinasal na ako before, very showbiz ‘yung wedding. ‘Di be lahat naman ng katrabaho, ng kaibigan, ka-close sa showbiz.“Parang kabaliktaran, kasi unang-una gusto namin intimate ‘yung wedding and very private lang siya. And pangalawa, dahil siya e, very private din na tao. Very ano siya, very as in non-showbiz,” say pa ni Carla.First love daw niya si Dr. Reginald at naging sila noong high school hanggang sa maghiwalay at muli ngang pinagtagpo ng tadhana.“Siguro mga 2022 or 2023 po na Christmas. Out of the blue, nag-greet lang po siya through private message po on social media ng ‘Merry Christmas, Happy Holidays,’” pagbabahagi ni Carla.“Noong nagkita kami ulit after more than 20 years, parang walang lumipas na panahon. Parang nakita ko ‘yung kung sino ‘yung kilala ko noon.“As in same person. ‘Pag kasama ko siya, very peaceful, very kalmado. Tapos nakakapagbiruan kami ng walang judgment. Tapos ano, ‘yung talagang as in nag-jive ‘yung personalities namin right away,” kuwento pa ng Kapuso actress.Kitang-kita sa aura ni Carla, na sobrang saya ngayon bilang bagong kasal.Napag-usapan din ang controversial na slab cake, na hindi naman sila naapektuhan. Dahil gusto nila ‘yun at nagustuhan ng mga guest kumain ng cake.Samantala, nagbiro rin Carla, na konti na lang ay mabi-beat na ang kanyang record.“So far, we’ve been married for two weeks. Konti na lang mabi-beat ko na ‘yung record ko dati na seven weeks,” sabay tawa niya.“Kung dati nagtagal ng seven weeks lang, ngayon five more weeks, mabi-beat ko na ang sarili kong record.Tanong ni Kuya Boy, magkaroon ba ng celebration si Carla tungkol dito”“Dapat meron po, by seven weeks plus one day, yun na, automatic na-beat ko na ang record. And I’m looking forward for our married life, na ma-experience ko, whether the honeymoon stage or challenge na dumaan, whatever it is na part of getting married, doon ako mas excited,” pahayag pa ni Carla.***MTRCB, aprub ang anim na pelikula ngayong Enero APRUB sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang anim na pelikula para sa linggong ito na may mga temang komedya, pakikipagsapalaran, drama, pag-ibig, horror at aksiyon.Nangunguna ang Pinoy thriller na “A Werewolf Boy,” isang remake ng 2012 South Korean film na may kaparehong pamagat.Ito’y rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang), para sa edad 12 at pababa at may kasamang magulang o nakatatanda.Tungkol ito sa isang dalagita na lumipat sa probinsya kasama ang pamilya at nakatagpo ng isang misteryosong binata na naninirahan sa kanilang bakuran.Nagbigay din ang MTRCB ng angkop na klasipikasyon sa limang internasyonal na pelikula, kabilang ang animated adventure-comedy na “The SpongeBob Movie: Search for SquarePants.”Tungkol ito sa pakikipagsapalaran ni SpongeBob upang patunayan ang kanyang tapang habang nilalakbay ang Underworld kasama ang multong pirata na si The Flying Dutchman.PG din ang Indian comedy na “Happy Patel: Khatarnak Jasoos,” at ang American post-apocalyptic survival disaster thriller na “Greenland 2: Migration.”Samantala, ang “The History of Sound,” na pinagbibidahan nina Paul Mescal at Josh O’Connor, ay rated R-13 para sa mga edad 13 pataas.Kuwento ito ng dalawang lalaki na nagkakilala noong 1917 habang nag-aaral sa New England Conservatory of Music.Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, naglakbay sila sa mga liblib na lugar ng Maine, USA, upang magtala ng mga awiting-bayan noong 1920.Para naman sa mas nakatatandang manonood, ang post-apocalyptic horror film na “28 Years Later: The Bone Temple,” ay rated R-16 para sa mga edad 16 pataas.Nagpaalala ang MTRCB na gabayan lagi ng mga magulang ang mga anak sa mga pelikulang panonoorin.“May ilang mga karakter na gumagawa ng mga katawa-tawang pag-arte o di kaya’y mapanganib na kilos. Bagama’t malinaw na hindi makatotohanan, mahalagang ipaalala sa mga mas batang manonood na ang mga eksenang ito ay hindi dapat tularan sa totoong buhay,” sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto. (ROHN ROMULO)