• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 3:10 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ugnayan ng Pinas-Brunei, susi sa mapayapa, matatag na Indo-Pacific – PBBM

SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang panatilihing malakas ang bilateral relations ng Pilipinas sa Brunei Darussalam ay makatutulong na mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa Indo-Pacific region.

 

 

Winika ng Pangulo na ang kanyang unang state visit sa Sultanate ay mahalaga sa gitna ng “many global challenges for which Brunei and the Philippines have very many common interests.”

 

 

“And so, it is important that we continue to work together on bilateral basis, also together with ASEAN (Association of Southeast Asian Nations), with BIMP-EAGA (Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines-East ASEAN Growth Area) in all of these methods by which we can plan together for our own communities, for the peace and the stability of the region,” ang sinabi ng Pangulo sa idinaos na state banquet na hinost ng Kanyang Kamahalan Sultan Hassanal Bolkiah, Martes ng gabi.

 

 

“And not only for Asia but for the Indo-Pacific as well. It is important that those partnerships now be brought back into the modern world. And I look forward for this state visit to once more give an added impetus and warmth and inspiration to the relationship between our two countries,” aniya pa rin.

 

 

Sa kabilang dako, kapwa naman sinaksihan nina Pangulong Marcos at Sultan Bolkiah ang paglagda sa tatlong memoranda of understanding at isang letter of intent sa pagitan ng Pilipinas at Brunei, naglalayon na mas palakasin ang ‘bilateral ties’ ng dalawang bansa sa maritime cooperation at turismo, bukod sa iba pa.

 

 

Si Pangulong Marcos ay nasa Brunei para sa kanyang two-day state visit dahil na rin sa imbitasyon ng Sultan, nagkataon naman ito sa 40 taong anibersaryo ng bilateral relations sa pagitan ng dalawang bansa.

 

 

Samantala, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos si Sultan Bolkiah, ang Royal Family, at ang mamamayan ng Brunei para sa pagpapaabot sa kanyang delegasyon ng kanilang hospitality habang ipinagdiriwang “birth of new time” para sa bilateral ties ng dalawang bansa. (Daris Jose)