• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 4:02 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

UFC champion Conor McGregor tanggal na unang puwesto ng Forbes highest-paid athletes

NATANGGAL na sa unang puwesto bilang highest paid athlete ng Forbes si UFC-two division world champion Conor McGregor.

 

 

Base sa pinakahuling listahan ng Forbes nasa pang-35 na puwesto na ito ngayon na mayroong kita na $43 milyon.

 

 

Noong nakaraang taon kasi ay nangunguna siya na mayroong $180 milyon na kinita ng ibenta niya ang majority stake ng kaniyang Irish Whisky Proper No. Twelve.

 

 

Nanguna naman sa puwesto si football superstar Lionel Messi na mayroong kitang $130-M na sinundan ni NBA star LeBron James na may kitang $121.2-M at Cristiano Ronaldo na mayroong $115-M na kita.

 

 

Nasa pang-walong puwesto na ngayon si Mexican superstar at undisputed super-middleweight champion Saul “Canelo” Alvarez.

 

 

May kita umano ngayon ng $90-M kung saan $5-M rito ay mula sa kaniyang off-field earnings.

 

 

Pasok din sa litsahan ng Forbes si YouTuber turned professional boxer Jake Paul na m ay kitang $38-M.