• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:00 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

UAE, PH ‘true partners’ sa pagtataguyod ng ‘future-ready’ governments- PBBM

NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa United Arab Emirates (UAE) para sa matibay na suporta sa Pilipinas at sa pagiging isang “true partner” sa pagtataguyod ng “smarter and future-ready” na pamahalaan.
Inihayag ito ng Pangulo matapos makapulong si UAE Deputy Minister of Cabinet Affairs for Competitiveness and Experience Exchange Abdullah Nasser Mohamad Lootah sa Palasyo ng Malakanyang.
“It was a pleasure to welcome Deputy Minister Abdulla Nasser Lootah and the UAE delegation as they conclude the Philippines–UAE Government Experience Exchange Forum,” ang sinabi ng Pangulo sa isang Facebook post.
“We are grateful to the UAE for its continued support to our Filipino workers and for being a true partner in building smarter, future-ready governments. Through shared knowledge and collaboration, we are creating meaningful change for our people,” aniya pa rin.
Sa isinagawang courtesy call sa Malakanyang, nagpahayag ng kanyang pagkalugod si Pangulong Marcos sa UAE government para sa pagsuporta sa kapakanan ng mga manggagawang filipino sa Gulf state at gawing partner ang Pilipinas sa iba’t ibang ‘mutually beneficial initiatives.’
Ipinaabot naman ni Lootah ang interest ng UAE government na palakasin ang bilateral relations sa pagitan ng dalawang bansa, binigyang diin ang ‘great importance’ nito.
Si Lootah at ang UAE official delegation ay nasa bansa para magpartisipa sa ‘Philippines and UAE Government Experience Exchange Forum’ na isinagawa mula Sept. 16 hanggang 18.
Ang forum, inorganisa ng Department of Budget and Management at ng UAE Ministry of Cabinet Affairs, naglalayon na palakasin ang mga government personnel mula sa dalawang bansa sa pamamagitan ng pagpapalitan ng karanasan at best practices, kapit-bisig tungo sa pagtataguyod ng ‘innovative, future-ready governments.’
 (
Daris Jose)