• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 11:05 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

UAAP target na makabalik sa Sept. 2021

Target ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na bumalik sa tradisyunal na laro sa Setyembre 2021.

 

Ayon kay UAAP director Atty. Rebo Saguisag, na target nila ang nasabing buwan sakaling bumalik na sa normal ang lahat.

 

Gaya aniya ng nakagawian na isasagawa ang opening ng laro sa buwan ng Setyembre.

 

Pagkatapos aniya ng Mayo 31, 2021 ay isagawa ng UAAP ang Season 84 kung saan magiging host ang La Salle.

 

Mula kasi noong World War II ay tuloy ang pagbibilang nila ng season kahit ito ay naantala.

 

Magugunitang noong nakaraang buwan ay kinansela ng mga opisyal ng UAAP na kanselado na ang seaon 83 para na rin sa kapakanan ng mga manlalaro.