TVJ, binisita nang mag-guest sa TV5: BJ, ‘di makikisali sa isyu kaya go lang kung saan may trabaho
- Published on August 8, 2023
- by @peoplesbalita
ISA sa popular na karakter ngayon sa telebisyon ay si Zoey Tanyag na ginagampanan ng Sparkle actress na si Kazel Kinouchi sa top-rating na ‘Abot Kamay Na Pangarap’ ng GMA.
Ano ang pinakamalaking natutunan ni Kazel mula sa pagiging bahagi ng top-rating afternoon series?
“So isa po sa mga natutunan ko sa show na ‘to is pag masaya yung environment mo, magre-reflect yun sa work mo.
“Kasi mahirap din pong magtrabaho if hindi ka… parang mabigat yung paligid mo, yung katrabaho mo, pero yun nga po, kasi masasaya kami ditong mga… yung cast po, so ayun po, that’s one thing I’ve learned po.”
Kontrabida si Zoey sa kapwa niyang doktora si Analyn Santos na ginagampanan ni Jillian Ward bilang bida sa ‘Abot Kamay Na Pangarap.’
***
NAGSIMULA si BJ “Tolits” Forbes sa showbiz noong maging finalist siya sa That’s My Boy contest ng ‘Eat Bulaga’ noong 2003 at naging isa sa mga host ng programa noong 2005.
Kamakailan ay bumisita siya sa naturang noontime show nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon o TVJ.
“I’ve seen them a week ago, nung nag-guest ako sa TV5, binisita ko sila, yung TVJ.”
Kung halimbawang sabay na mag-o-offer sa kanya ang ang ‘E.A.T’ ng TVJ at ‘Eat Bulaga!’ nina Paolo Contis, Isko Moreno, Buboy Villar at iba pa, saang programa siya sasama?
“Kahit saan po dun… joke lang,” at tumawa si BJ.
“Kahit saan po dun, kung sino po magbibigay ng pagkakataon.
“Pero siyempre po, I have a respect for TVJ and also for TAPE Inc., and parehas po may mga naiwang pamilya namin dun sa Eat Bulaga pa rin ngayon, so kung sino man po magbigay okay lang.
“Hindi naman po ako kasama dun sa issue e, so hindi po ako para makisali, but yung respeto at pagmamahal nandun po, pero kung saan po may trabaho go po ako,” say ni BJ na cast member ng upcoming family drama film na ‘The Special Gift’ na mula sa RC Gomez Entertainment Productions.
Bida rito ang Kapuso child actor na si Franchesco Maafi kasama ang mga character actors na sina Soliman Cruz, Migui Moreno at Mike Lloren, ang mga theater-film actresses na sina Malou Canzana. Romina Cauilan, at Ella Sheen at ang newbie actor Angelo Gomez.
Ang ‘The Special Gift’ ay sa panulat ni Erick R. Castro, with Mr Roy Gomez as executive producer at sa direksyon ni Lawrence Roxas (directorial debut for full length).
(ROMMEL L. GONZALES)