Tutuparin ang childhood dream na magka-bahay: RABIYA, tuloy lang ang buhay kahit naging biktima ng scam
- Published on July 21, 2025
- by @peoplesbalita
UMAANI ng papuri mula sa netizens si Bianca Umali dahil sa mahusay na pagganap bilang Terra sa ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre.’Hinahanggan ang pinakitang bangis ni Bianca sa pakikipaglaban. Mahusay rin niyang naipakita ang pagnanais ng kanyang karakter na ipagtanggol ang mga naaapi.
“Masarap sa puso na maganda ang pagtanggap ng mga tao. ‘Yun naman din po talaga ang goal namin ay makapaghatid ng isang magandang kuwento at mabigyan ng justice ang Encantadia,” sey ni Kapuso Prime Gem.
Unti-unti nang natutuklasan ni Terra ang kanyang kapangyarihan bilang isang Sang’gre. At mas marami pa raw na mga maaksyong eksena na mapapanood na gagawin si Bianca.
Ayon sa Sparkle actress: “Simula pa lang po ng journey ni Terra ang napapanood nila. Mas babangis pa siya kapag nakaharap na niya ang mga taga-Mineave at makasama na niya sina Adamus (Kelvin Miranda), Flamarra (Faith da Silva) at Deia (Angel Guardian). Abangan din po nila ang magiging transformation ni Terra.”
***
PATULOY ang buhay para sa Kapuso star na si Rabiya Mateo, na naging biktima ng scam.
“Kailangan nating ipagpatuloy ang buhay, masakit man. There’s still a lot of means for me to get my money back. I am still praying and hoping na sana ay mabalik,” pahayag ni Rabiya.
Sa kabila ng kanyang ‘di magandang karanasan, determinado ang former Miss Universe Philippines 2020 sa tuparin ang kaniyang childhood dream na magkaroon ng sariling bahay.
“I was able to buy and renovate my dream house sa Sta. Rosa, Laguna. I need to start from scratch but God is so good.
“Frustration namin noong maliit ako, para kaming no permanent address. We would transfer from one place to another kasi we can’t afford to pay rent.”
Plano raw ni Rabiya na pagsikapan pa ang pagpapaganda ng kanilang bahay. Pero payo ng kanyang ina ay maging praktikal sa gastusin.
“Dream house ko siya kaya ako nagwo-work very hard sa showbiz. Kasi, I want to achieve a lot of good things in life, so isa na ‘to.”
(RUEL J. MENDOZA)