• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 9:44 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tumataas na bilang ng abandonadong Pilipinong marino, imbestigahan manning agencies, panagutin

NANAWAGAN si dating Bayan Muna Congressman Carlos Isagani Zarate na magsagawa ng agarang imbestigasyon sa nakakaalarmang pagtaas ng inaabandonang Filipino seafarers, at agarang aksyon mula sa Department of Migrant Workers (DMW), kongreso at iba pag kaukulang ahensiya.

 

“The recent report about 312 abandoned ships globally, with Filipino seafarers among the most affected, is deeply disturbing. Hindi dapat ipagwalang-bahala ng gobyerno ang kapakanan ng ating mga marino na siyang backbone ng global maritime industry,” ani Zarate.

 

Dapat din aniyang panagutin ng pamahalaan ang mga manning agencies at foreign employers sa kanilang pag-abandona ng mga Filipino seafarers.

 

Kumikita aniya ng milyong ang mga ahensiya mula sa mga marino pero pagdating sa krisis ay wala silang pananagutan na kailangang matigil na.

 

Umpela din ito ng agarang financial assistance at comprehensive support sa mga apektadong seafarers at kanilang pamilya.

 

“With Filipinos comprising nearly 25% of the world’s seafarers, the government cannot afford to abandon them too. Kailangan ng agarang aksyon, hindi lip service lamang. The DMW and POEA must review and strengthen regulations on manning agencies, while Congress must investigate these systematic violations of our seafarers’ rights,” dagdag nito. (Vina de Guzman)