TUMAKAS NA SOUTH KOREAN SA DETENTION CELL, NAHULI NA, 2 PA NAARESTO
- Published on May 31, 2023
- by @peoplesbalita
NATAGPUAN ng Bureau of Immigration (BI) ang South Korean na tumakas mula sa kanyang detention cell sa Bicutan, Taguig City.
Ayon sa elemento ng BI intelligence division (ID) and fugitive search unit (FSU), naaresto si Kang Juchun, 38, sa kanyang condominium unit sa N. Domingo St. sa Brgy. Ermitano, San Juan City ng pinagsamang puwersa ng Philippine National Police SMART, San Juan City Police Station Intelligence Branch, MIG 46 SIF, MFC-DI, NISG NCR, at d NBI-AOTCD.
Siya ang inaresto sa bisa ng mission order na inisyu ni BI Commissioner Norman Tansingco.
Ayon sa report, si Kang ay tumakas matapos umanong um akyat sa may taas na 20 feet na perimeter ence na may barbed wire dakong alas-2:00 ng madaling araw noong May 21.
“He was limping when our agents arrested him,” ayon kay Tansingco. “We suspected that he could have been injured as it was a massive fall on a cemented road,” dagdag pa ng BI Chief.
Si Kang ay may arrest warrant na inisyu ng Seonsan Branch ng Daejeon District Court noong February sa kasong murder at abandonment of a dead body na isang paglabag sa Criminal Act ng Republika ng Korea.
Siya ay inaresto ng immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 nang dumating ito mula sa Bangkok.
Dalawa pang South Koreans ang inaresto na kinilalang si Lim Kyung Sup, 43, at Kim Mi Kyung, 39 dahil sa pagtatago kay Kang . Nalaman din na si King ay nahaharap ng kaso sa Korea.
Nahaharap din sa kaso ang tatlo nang nakunan ng 1 kilo ng hinihinalang shabu na may street value na P10.2M.
Bukod po dito, base sa database, si Kim at Lim ay overstaying na . GENE ADSUARA