Trillion Peso March part 3 ikakasa
- Published on December 3, 2025
- by @peoplesbalita
POSIBLENG magsagawa muli ng malawakang protesta ang Trillion Peso March kung hindi pa rin maisasama ang mga sangkot na “Big Fish” sa pananagutin sa flood control corruption scandal.
Sinabi ni Kiko Aquino, isa sa organizers ng 2nd edition Trillion Peso March, inaasahan nila na mas maraming kaso ang isasampa bago ang itinakdang deadline ng Office of the Ombudsman sa Disyembre 15 subalit nakatuon lamang umano ang imbestigasyon ng gobyerno sa “relatively minor government officials and contractors.”
“It’s a little worrisome that when it comes to these… big fish, the government seems to be tentative as far as their commitment to investigating them,” ani Aquino.
“If that sort of… continues, I think it is right to have a third edition.”
Aniya, pag-uusapan nilang mga organizers ang susunod na hakbang sa pangakong magpapatuloy sa pag-organisa ng rally hanggang hindi pa nalulutas ang isyu ng korapsyon.
Paalala niya sa gobyerno na seryoso ang mga mamamayan sa isyu ng korapsyon.
Sa katatapos lang na Trillion Peso March, nasa 30,000-90,000 ang dumalo bagama’t taliwas sa pagtaya ng Philippine National Police na umabot lang sa mahigit 5,000.
Sa panig naman ni Acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., handa ang kapulisan sa pagbibigay ng seguridad sakaling magkaroon ng third round ang Trillion Peso March.