• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Trial doses ng Sputnik V, hahatiin sa 5 lungsod sa Metro Manila

Limang lungsod pa lang sa Metro Manila ang makatatanggap ng 15,000 doses ng inisyal na sampol ng Sputnik V COVID-19 vaccine mula sa Russia na dumating sa bansa nitong Sabado.

 

 

Makakatanggap ng tig-3,000 trial doses ng naturang bakuna ang mga lungsod ng Makati, Taguig, Muntinlupa, Maynila at ParaƱaque.

 

 

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang mga naturang lungsod pa lamang ang napiling bigyan ng bakuna dahil mayroon silang akmang cold storage facility para pag-imbakan ng Sputnik V vaccine. Kinakailangan kasi na maiimbak ito sa storage na may -18 degree Celsius.

 

 

Para lamang sa mga indibidwal na 18 taong gulang pataas ang naturang bakuna. Maaari ring iturok ang ikalawang dose matapos ang 21 araw nang maibigay ang unang dose.

 

 

Inaasahan na may darating pang 485,000 doses ngunit magdedepende pa umano ito sa kahandaan ng suplay at sa shipping logistics. (Daris Jose)