• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 2:05 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Trade regulations, hindi dapat maging ‘hadlang’- PBBM

HINDI dapat maging hadlang o sagabal ang regulasyon sa kalakalan upang masiguro na ang ‘goods and services’ ay maayos na dumaloy.
”While regulations are certainly necessary, we must ensure that they do not become trade barriers. At the same time, ASEAN can begin looking into strategic trade management to equally ensure secure trade in our region,” ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isinagawang ASEAN Leaders Interface with Representatives of ASEAN Business Advisory Council.
Aniya pa, kahit pa nananatili ang tensyon sa kalakalan at mga kawalan ng katiyakan sa patakaran, makatitiyak ang pribadong sektor ng tahimik na paglutas ng regional bloc para panindigan ang katatagan at palalimin pa ang economic cooperation.
”By ensuring that trade remains both open and secure, we aim to foster a more trusted and resilient economic environment within the region and beyond,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Nananatili aniyang committed ang Pilipinas na makatrabaho ang ASEAN-BAC ”to build a future-ready ASEAN that is united in purpose, bold in vision, and inclusive in progress.”
Samantala, winika pa ng Pangulo na may pangangailangan na ipagpatuloy ang pamumuhunan sa mga tao dahil ang ‘digitally literate at adaptable workforce’ ang pundasyon para sa anumang pag-unlad.
Sinabi pa nito na ang AI Engagement Platform ay nag-aalok ng napapanahon at strategic approach sa digital governance sa iba’t ibang rehiyon.
”By fostering collaboration on responsible and inclusive AI, it ensures that technological advancements benefit all segments of society. We fully support this initiative and recognize its potential for a future ASEAN Centre of Excellence for AI, built on innovation, ethical standards, and transparency,” ang sinabi ni Pangulong Marcos. ( Daris Jose)