• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 6:27 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Total ban, di solusyon sa sugal — CitizenWatch

NANINDIGAN ang CitizenWatch Philippines na hindi total ban ang sagot sa isyu ng sugal kundi mas maayos na regulasyon at mas mahigpit na paglaban sa illegal online gambling platforms.
“Para sa maraming Pilipino, aliwan ang paglalaro. Kung ipagbabawal ang licensed and regulated platforms, hindi naman titigil ang pagsusugal. Ang mangyayari, mapipilitang lumipat ang players sa illegal and unregulated platforms kung saan napakadelikado,” ayon kay Orlando Oxales, convenor ng CitizenWatch.
Ipinunto ni Oxales na matagal nang umiiral ang iligal na sugal sa bansa, mula jueteng at masiao hanggang underground casinos, at nakatulong ang regulasyon upang unti-unting malabanan ang mga ito.
“With the regulation of online gaming, maraming lumipat sa legal.
Nagmukhang lumaki kasi nasa legal platforms na. Unlike before na lahat underground,” bigay-diin niya. Batay sa datos ng Philippine Amusement and Gaming Corporation, halos 49% ng kabuuang kita ng ahensya sa first quarter ng 2025 ay mula sa licensed and regulated platforms. Gayunman, lumilitaw sa isang industry research na halos 60% ng online gambling industry ay hawak ng illegal operators na nakakubli sa offshore servers para hindi mahuli at makatakas sa tax, habang 40% lang ang lehitimo at lisensyado.
Sa isang position paper, binigyang-diin naman ni Atty. Marie Antonette Quiogue, CEO ng Arden Consult, na hindi dapat gawing scapegoat ang legal operators. “Ang unchecked growth ng illegal gambling websites ang tunay na isyu, marami sa mga ito ay hosted overseas, na nakakatakas sa tax at naglalagay sa mga Pilipino sa peligro,” ani Quiogue.
 Ipinapakita rin sa isa pang pag-aaral na mas agresibong nakakahatak ng mga manlalaro ang illegal sites dahil nag-aalok ang mga ito ng libu-libong laro at malalaking bonus, ngunit wala namang age verification o consumer safeguards at iba pang player protection.
“Maayos na regulasyon at mahigpit na pagpapatupad ang tunay na solusyon,” giit ni Oxales. “Kung gusto nating maprotektahan ang mamamayan at ang ekonomiya, dapat mas palakasin ang legal platforms para mailayo ang tao sa mga sindikato.”