Top 3 most wanted person ng Malabon, nalambat ng Navotas police
- Published on February 18, 2025
- by Peoples Balita
LAGLAG sa selda ang isang lalaki na nakatala bilang Top 3 most wanted person sa Lungsod ng Malabon makaraang malambat ng pulisya sa manhunt operation sa Navotas City.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa Brgy. NBBS Proper ang presensya ng 48-anyos na akusado na si alyas ‘Asyong’ na nakatala din bilang Top 4 MWP sa NPD.
Agad bumuo ng team ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) bago ikinasa ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-10:40 ng umaga sa Road 10 corner C-3 St., Brgy. NBBS Proper.
Ang akusado ay binitbit ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Murder na inisyu ni Presiding Judge Rhoda Magdalene I. Mapile-Osinada, ng RTC Branch 170, Malabon City, noong January 22, 2025, na walang inirekomendang piyansa.
Pinuri ni P/Col. Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD, ang dedikasyon ng mga operatiba sa neutralizing sa high-profile na akusado.
“This operation showcases the unyielding dedication of our personnel in the pursuit of justice for victims. We are resolute in our mission to intensify initiatives aimed at safeguarding our communities.” pahayag niya. (Richard Mesa)