Top 20 Business at Realty Taxpayers sa Navotas, pinarangalan
- Published on January 25, 2024
- by @peoplesbalita
BINIGYAN ng pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang Top 20 Business at Realty Taxpayers sa lungsod bilang pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa patuloy na pagpapaunlad sa Navotas. Personal silang pinasalamatan nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco sa tapat at maagap nilang pagbabayad ng buwis at patuloy na pagsuporta sa layunin ng pamahalaang lungsod na itaas pa ang antas ng pamumuhay ng bawat pamilyang NavoteƱo. (Richard Mesa)