• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 11:29 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tolentino, tatayong legal counsel ni Dela Rosa sa ICC probe

MAGSISILBING  abogado ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa lahat ng proceedings na may kinalaman sa International Criminal Court (ICC) investigation si Sen. Francis Tolentino.

 

 

Ito ay kaugnay pa rin sa ginagawang imbesti­gasyon ng ICC tungkol sa drug war ng administrasyon ni dating Pangulong Duterte kung saan si Dela Rosa noon ang hepe ng Philippine National Police (PNP).

 

 

Sinabi ni Tolentino sa isang zoom interview, na tinanggap na niya ang panukala ni Dela Rosa para maging abogado niya.

 

 

Ang pangunahing tungkulin umano ni Tolentino ay protektahan si Dela Rosa hindi lamang sa loob ng ICC dahil iginigiit nila na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas kundi maging sa lokal.

 

 

Sa sandaling humantong na umano sa ganoong sitwasyon ay inihahanda na rin umano ni Tolentino ang lahat ng dokumento para sa proper accreditation bilang abo­gado ni Dela Rosa.

 

 

Magpapadala rin umano si Tolentino ng liham kay Senate President Juan Miguel para magkaroon siya ng exemption mula sa rule na ang isang incumbent officials ay bawal mag-practice ng kanilang propesyon.

 

 

Inihayag din ni Tolentino na iimbitahan niya si Kamir Khan, ICC pro­secutor, sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and human rights na layong depensahan si dating pangulong Duterte mula sa imbestigasyon ng international tribunal. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)