• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 12:24 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tolentino aakyat ng entablado

GAGAWARAN si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ng Executive of the Year San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night sa paggabay sa bansa na makamit ang kaauna-unahang gold medal sa Summer Olympic Games.

 

 

Isa siya sa 33 personalidad na may pagkilala sa Marso 14 na gala night sa Diamond Hotel sa Roxas Boulevard, Ermita, Manila.

 

 

Makakasama ni Tolentino na makaakatanggap ng award buhat pinakaunang media organization sa bansa sina Ramon S. Ang, Manuel V. Pangilinan, William ‘Butch’ Ramirez, Wilfred Steven Uytengsu, Jr., Victorico Vargas, Jude Echauz, Philip Ella Juico at Wilfrido Marcial.

 

 

Dahil sa mahigpit na alituntunin sa kalusugan, may 50 porsyento lang ng kapasidad ng ballroom ang papayagan. Noong nakaraang taon, ginanap na virtual ang SMC-PSA awards night.

 

 

Nanatiling agila si Tolentino sa paghahanda ng bansa para sa 32nd SOG 2020+1 sa Tokyo, Japan noong Hulyo-Agosto sa loob ng halos dalawang taon dahil sa naantalang paligsahan ng global pandemic noong 2020.

 

 

Sulit ang mahabang paghihintay dahil sa wakas ay nasungkit ng ‘Pinas ang kauna-unahang Olympic gold matapos ang halos isang siglo sa likod ng record-breaking performance ni weightlifter Hidilyn Diaz.

 

 

Pinatamis ng boxing trio nina Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial ang pot nang manalo ng isang pares ng pilak at tansong medalya para sa pinaka-produktibong kampanya ng ‘Pinas sa tuwing apat na taon lang na palaro

 

 

Nakita rin sa stint na ang mga potensyal na mananalo ng medalya sa iba pang larangan ang tulad nina gymnast Carlos Edriel Yulo, golfers Yuka Saso at Bianca Isabel Pagdanganan, pole vaulter Ernest John Obiena, at skateboarder Margielyn Didal.

 

 

Si Tolentino rin ang pangulo ng Integrated Cycling Federation of the Philippines o PhilCycling. (REC)