• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 9:59 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tokyo Olympics, posibleng tuluyan nang makansela dahil sa COVID-19

Posibleng tuluyan nang makansela ang Tokyo Olympics kung hindi pa rin maaagapan ang coronavirus sa buwan ng Mayo, ayon sa senior International Olympic Committee.

 

“In and around that time, I’d say folks are going to have to ask: ‘Is this under sufficient control that we can be confident about going to Tokyo or not?’” pahayag ni Dick Pound sa The Associated Press sa isang panayam.
Kung patuloy na magiging banta ang COVID-19, posible na itong hindi matuloy o ‘di kaya naman ay muling mailipat ng araw.

 

Nakatakda ang naturang laro sa July 24 hanggang Aug. 9.

 

Iginiit ni Pound na nasa 11,000 atleta mula sa 200 bansa ang inaasahang makilalahok sa Tokyo Olympics.
“As far as we all know, you’re going to be in Tokyo,” ani Pound.

 

“All indications are at this stage that it will be business as usual. So keep focused on your sport and be sure that the IOC is not going to send you into a pandemic situation.”

 

Sa kasaysayan, tatlong beses pa lang nakansela ang Olympics.

 

Isang beses noong World War 1 at dalawang beses naman noong World War II.

 

Huling hinawakan ng Tokyo ang Summer Olympics noong 1964.