• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 7:46 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tiwala ng Pinoy kay Pangulong Marcos nanatiling matatag – RPMD

PATULOY na nagtitiwala ang publiko kay Pres. Ferdinand Marcos Jr., batay sa pinakabagong resulta ng “Boses ng Bayan” nationwide survey na isinagawa nitong Setyembre 5–10.
Nakapagtala ang ­Pangulo ng 72% trust ra­ting, tumaas ng dalawang puntos, at 70% approval rating, na nagbigay ng Index of Governance (IOG) score na 71%.
Ipinaliwanag ni Dr. Paul Martinez, Global Affairs ­Analyst at Executive Director ng RPMD Foundation Inc., na ang IOG ay bagong sukatan na ipinakilala ng RPMD upang pagsamahin ang trust at approval ratings, nagbibigay ito ng mas malinaw na larawan kung paano sinusukat ng taumbayan ang kredibilidad at pagganap ng kanilang mga lider.
Samantala, nakapagtala si Vice Pres. Sara Duterte ng 57% IOG (58% trust, 56% approval) na bahagyang bumaba mula sa nakaraang survey.
Si Senate President Francis Escudero ay nakakuha ng 51.5% IOG (53% trust, 50% appro­val), na nagpakita rin ng pagbaba.
Habang si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay uma­ngat sa 62% trust at 65% approval, na nagtulak sa kanyang IOG score sa 63.5%. (Daris Jose)