Tinawag na ‘accla ng taon’ ng netizens: BENJAMIN, ‘di inakala na katutuwaan ang role niya bilang Basil
- Published on July 24, 2024
- by @peoplesbalita
ALIW na aliw si Benjamin Alves sa mga comments sa pagganap niya bilang Basil Palacios sa ‘Widows’ War.’
Tinatawag ng maraming netizens si Basil na “Accla ng taon” dahil sa pagiging fake, manipulative, blackmailer at ang hangad niyang mapatay ang misis niyang si George played by Carla Abellana.
Hindi nga raw inakala ng Kapuso hunk na katutuwaan si Basil dahil sa kakaibang personality nito.
Post ni Benjamin sa Facebook: “Been reading the tweets on X about Basil. Thank you so much for the kind words. Truly enjoying my time with him. What does accla mean?”
Natuwa ang maraming netizens sa aktor dahil di pala updated ito sa bagong term for gay ng mga Gen Z.
Nung malaman na niya, ito ang pinost ni Benjamin: “Learned a new word from playing Basil…. “accla”
(RUEL J. MENDOZA)