Tigil-pasada vs korapsyon ilalarga sa Setyembre 17-19
- Published on September 16, 2025
- by @peoplesbalita
MAGDARAOS ng nationwide tigil-pasada ang ilang transport group upang iprotesta ang malawakang korapsyon sa bansa.
Sa abiso ng grupong Manibela, idaraos nila ang transport strike mula Setyembre 17-19 o mula Miyerkules hanggang Biyernes.
Ang naturang kilos protesta ay susundan pa nila ng martsa sa Luneta sa Maynila sa Setyembre 21, na paggunita sa deklarasyon ng Martial Law sa bansa.
Ito ay bilang pakikiisa sa mga grupong magmamartsa rin sa naturang araw upang humingi ng accountability at ipanawagan na mapanagot ang mga taong sangkot sa maanomalyang flood control projects sa bansa.
Sa anunsiyo naman ng grupong PISTON, isasagawa nila ang kanilang nationwide strike sa Huwebes, Setyembre 18.
“Mga kababayan, sa darating po na September 18 ay magdaraos po ng transport strike mula po sa hanay ng PISTON, batay po doon sa… laban po sa korapsyon,” ayon kay Teody Permejo, ng PISTON.
Ayon kay Permejo, alas-5 ng madaling araw pa lamang ay sisimulan na nila ang tigil-pasada sa lahat ng panig ng bansa.
Ipinaliwanag ni Permejo na sa pang-araw-araw nilang paghahanapbuhay ay P12,000 kada buwan ang buwis na naiaambag nila sa buwis.