• February 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Thankful pa rin kahit hindi naging big winner… SOFIA, nagtapos na ang three months journey sa Bahay ni Kuya

AFTER three months, nagtapos na ang journey ng “Strong-Willed Sunshine of Quezon City” and Sparkle actress, Sofia Pablo, sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0 last Saturday, January 31, 2026.
She was evicted alongside fellow housemate and Kapamilya young actress, Eliza Borromeo.
Following the eviction night, nag-share si Sofia ng kanyang thoughts and heartfelt gratitude in a video posted on the Sparkle GMA Artist Center Instagram account, dedicated to everyone who supported her throughout her PBB journey.
“Hello po sa inyong lahat! Ako po si Sofia, ang ‘Strong-Willed Sunshine ng Quezon City. Gusto ko magpasalamat sa lahat ng taong sumuporta sa akin sa PBB journey ko,” sey ng Next Gen Leading Lady.
In the same video, nagpasalamat si Sofia sa PBB dahil “the journey she experienced was far greater than what she had originally prayed for.”
She also shared that her heart is so happy because of her fans: “Do’n pa lang, na mayroon akong kayo, sobrang masaya na ‘yung puso ko.”
According to Sofia, kahit hindi siya ang nakakuha ng ‘Big Winner’ title, she still feels like a winner because of the many people who love and continue to support her.
“’Di man ako naging ‘Big Winner,’ pero feeling ko, ‘Big Winner’ pa rin ako dahil mayroon akong kayo. I love you guys!”
***
ENJOY at feel na feel ni Tom Rodriguez ang pagganap bilang ang Bathala ng Kadiliman na si Gargan sa GMA superserye na ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre.’
Ayon kay Tom, “kinikilig at blessed” siya sa pagkakataon na napasama sa mundo ng Encantadia dahil pinanood din niya noon ang Encantadia 2016.
“Laging may kilig factor, whether ‘yung mga Kambal-Diwa, ‘yung new gen Sang’gres, OG Sang’gres, everytime I get to have scenes with them, laging may kilig factor,” sabi niya sa interview kay Nelson Canlas ng 24 Oras.
“Kasi before, viewer ako ng 2016. Ngayon, I get to be part of the lore somewhat. I feel blessed. Kahit sa costume ni Gargan may kilig factor na ‘Wow! Trabaho ‘to…’ That’s a blessing.”
Nagbigay rin si Tom ng spoiler sa susunod na mangyayari sa Sang’gre, lalo na ngayong nagkaroon na ng pangitain si Nunong Imaw sa pagkawasak ng buong Encantadia at pagkuha ni Gargan sa mga Brilyante.
“Nandito po kami sa mundo ng mga tao, pero susugod na kami sa Encantadia, sa aking pinakamumuhiang lupain,” pagbabahagi ni Tom.
Ikinuwento rin ni Tom na malapit sa kanyang puso ang ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre’, dahil dito napapanood siya sa telebisyon ng kanyang anak na si Korben. Nagkaroon din ng pagkakataon ang aktor na isama sa set ang kanyang anak.
“May isa kaming taping na fight scene namin ni Bianca, so I asked if my family can see it para they get a glimpse of what I do. Nakita niya ako for the first time, in person, and hindi siya takot at all. It was a cool experience.”
***
PUMANAW sa edad na 71 ang award-winning Hollywood comedian na si Catherine O’Hara.
Nakilala siya bilang ina ni Macaulay Culkin sa ‘90s Christmas film classic na ‘Home Alone’ at ‘Home Alone 2: Lost in New York.’
Ayon sa report ng TMZ: “The legendary Hollywood actress died Friday (January 30). The cause of death is unclear. The last time one of our photogs saw Catherine was at LAX in February 2024, when we asked her what role she would most want to be remembered for.”
Bukod sa Home Alone, kinagiliwan din si Catherine sa kanyang roles sa mga pelikulang Best in Show, A Mighty Wind, at Beetle Juice. Sa TV ay nanalo siya ng Emmy at Golden Globe awards para sa comedy series na Schitt’s Creek.
Huli siyang napanood sa The Studio ng Apple TV+ at ‘The Last of Us’ ng HBO.
Born and raised in Toronto, unang nakilalq si Catherine bilang writer and performer sa sketch comedy TV series na ‘Second City’ in 1976 hanggang 1984.
She was made an ‘Officer of the Order’ of Canada in 2017.