• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 11:41 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Teves, pinayagang makapagpiyansa ng korte sa kasong murder

Pinayagan ng Manila Regional Trial Court na makapagpiyansa si dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr., sa isa sa mga kasong murder na kinakaharap nito.
Sa 29-pahinang kautusan na inisyu ng Manila RTC Branch 12 na may petsang Set­yembre 10, inaprubahan nito ang hiling ng kampo ni Teves na makapag­hain ng P120,000 na piyansa, kaugnay ng isa sa mga kinakaharap nitong kasong pagpatay sa hukuman.
Sa kabila nito, aminado ang kampo ng dating mambabatas na hindi pa rin ito makakalabas ng piitan dahil sa iba pang kasong kinakaharap nito.
Aminado naman ang legal counsel  ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio na hindi pa  makalalaya ang dating kongresista dahil may nakabinbin pang mga petisyon sa iba pa nitong kaso.
Napag-alaman na ang bail petition na ina­prubahan ng Manila RTC ay may kinalaman sa kasong pagpatay kay Lester Bato, bodyguard ni Basay mayoralty candidate Cliff Cordova noong Mayo 2019. ( Daris Jose)