Terror group nasa likod ng attack plot vs Israelis, Westerners planong magtayo ng kampo sa Pinas-Año
- Published on February 18, 2022
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nakaabot na sa kanyang kaalaman ang plano ng Hamas, Middle East based Islamic group, na magtatag ng “foothold” o kampo sa bansa.
Sa isang mensahe, sinabi ni Año ang rebelasyon ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa di umano’y planong pag-atake laban sa Israelis at Westerners sa Pilipinas upang hikayatin ang mga mamamayang filipino na maging bigilante habang ang mga personalidad na nabanggit sa nasabing plano ay mahigpit na mino-monitor at nasa ilalim ng strict surveillance.
“Nakatimbre naman dun sa anti-terrorism council so meron naman tayong nakainplace na (security measures). Maganda naman yung may mga ganyang nakukuha tayong information, nakakapaghanda tayo,’’ ayon kay Año.
Hinggil sa posibleng banta sa national security, sinabi ni Año na sa ngayon ay wala pa namang indikasyon na ang grupo ay nasa rurok na ng kanilang hangarin na ipatupad ang kanilang plano.
Idinagdag pa ng Kalihim na sa kasalukuyan pa rin ay nananatili pa ring impormasyon ang nasabing di umano’y banta na inaaktuhan naman ng intelligence community.
At sa tanong naman kung saan nanggaling ang naturang impormasyon, sinabi ni Año na ang PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nagsasagawa ng “domestic and international intelligence coverage’’ kabilang na ang “liaisoning’ work with foreign intelligence agencies” kung saan ibinabahagi ang impormasyon.
“Kaya ‘yung set up na yan, halimbawa ang US (United States) intelligence (service) kapag meron silang na hit na information na makakatulong sa atin sinishare nila. Ganun din naman tayo sinishare din natin sa kanila. May information sharing, pagkatapos ang requirement lang naman dun, pag nagaction tayo may feedback din tayo,” dagdag na pahayag ng Kalihim.
Mula aniya sa mga leads na iyon, ipinaliwanag ni Año na ang intelligence agencies partikular na ang PNP Intelligence Group ay maaari nang magsagawa ng kanilang operasyon“kaya dito sa Pilipinas..we have the follow the lead scheme,” anito.
Hindi naman kinumpirma ng DILG kung may presensiya na ng Hamas group sa bansa subalit ang sinabi lamang nito na ang mga miyembro ng nasabing grupo ay maaaring makipag-communicate sa pamamagitan ng internet at social media na mino-monitor ng PNP at AFP bilang precautionary measure.
Tumanggi na magbigay pa ng detalye sa mga taong kanilang mino-monitor, sinabi ni Año na sa kasalukuyan ay mayroong intelligence operation gist that Hamas are trying to recruit Filipinos in the Middle East and other countries in Asia.
“Itong Hamas kasi di ba, they are operating in the Middle East and then in some areas in Asia na may mga ano dun kasi may mga Pilipino dun na nagpupunta ng abroad. ‘Yung iba dyan ay nagwo-work ‘yung iba personal visits. So meron silang na-contact na isang Filipino. They tried to recruit and this Filipino, na-monitor na umuwi ng Pilipinas tapos ito yung sinasabi na inatasan na mag-recruit,’’ayon kay Año.
Samantala, tiniyak naman ng Kalihim na nananatiling “on top” ang PNP Intelligence Group sa sitwasyon at patuloy na mino-monitor ang galaw ng nasabing Filipino sabay sabing wala namang seryosong banta at sa posibleng aksyon na napangunahan na.
Idinagdag pa ni Año na ang Filipino na kinontak ng Hamas na kasalukuyang nasa Pilipinas ay may status na “person of interest’’.
“Pero yung mga tao na gagamitin nya , hindi natin sigurado kung ilan. Kasi ..this guy is going to Mindanao and Manila from time to time,’’ dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)