• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Teodoro, nagdaos ng bilateral talks kasama ang Japan, Ukraine, Netherlands

NAGDAOS si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ng hiwalay na bilateral meetings kasama ang mga defense officials ng Japan, Ukraine, at The Netherlands sa sidelines ng Shangri-La Dialogue nito lamang weekend.
Dumalo si Teodoro Jr. sa 22nd International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue sa Singapore mula May 30 hanggang June 1 para pag-usapan ang ‘security issues at defense ties’ sa ibang bansa.
Sinabi ni Japanese Defense Minister Gen Nakatani na nais ng Tokyo ang mas malalim na involvement sa joint drills kasama ang Maynila gaya ng Balikatan at Kamandag sa pagpasok sa puwersa ng Philippines-Japan Reciprocal Access Agreement.
Napagkasunduan ng dalawang bansa ang kahalagahan ng pagpapalawak ng pagtutulungan sa defense equipment production.
Upang hadlangan ang pagkilos na mapagpapahina sa kapayapaan sa rehiyon, binigyang diin ni Teodoro ang pangangailangan na panatilihin ang bilateral at multilateral dialogues kasabay ng kanyang panawagan para sa mas malakas na alyansa base sa ibinahaging prinsipyo.
Pinasalamatan naman ni Ukrainian Deputy Minister of Defence Oleksandr Kozenko ang Pilipinas para sa suporta nito sa ‘Ukrainian sovereignty at territorial integrity.’
Isang Ukrainian defense attaché ang itatalaga sa Maynila para i-develop ang bilateral defense ties, ayon kay Kozenko.
Nais naman ng Pilipinas ayon kay Teodoro na matuto ng
technological development mula Ukraine, habang sinabi naman ni Kozenko na ang Ukraine ay masigasig na matuto ng maritime disaster response at post-trauma recovery mula sa Pilipinas.
Nananatiling committed ang dalawang bansa sa international law. Nangako ang Ukraine na tatalima at mahigpit na susunod sa Geneva Conventions at pagiging bukas sa defense cooperation kasama ang Pilipinas.
Samantala, nagpahayag naman ng interest si Teodoro na matutunan ang ‘best practices’ sa defense governance ng The Netherlands.
Suportado naman ni Dutch Minister of Defencs Ruben Brekelmans ang rules-based international order at nagpahayag ng interest na galugarin ang joint military activities sa Pilipinas.
“Teodoro and Brekelmans extended invitations for future visits, maintaining their intent to expand defense engagement and cooperation,” ayon sa DND. ( Daris Jose)