Tennis star Maria Sharapova, buntis na
- Published on April 22, 2022
- by @peoplesbalita
MASAYANGÂ ibinahagi ng five-time Grand Slam tennis champion Maria Sharapova na ito ay buntis na.
Sa kanyang social media account ay isinagawa ang anunsiyo kasabay ng kaniyang ika-35 na kaarawan.
Magugunitang noong Pebrero 2020 ay nagretiro na sa paglalaro ng tennis ang Russian tennis player.
Inanunsiyo rin nito noong Disyembre 2020 ang kaniyang engagement sa British businessman Alexander Gilkes.