TEACHER NG EAC, NALUNOD?
- Published on March 6, 2025
- by Peoples Balita
NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa pagkamatay ng isang guro sa Emilio Aguinaldo College (EAC) na umano’y natagpuang nakalutang sa gilid ng ilog sa Dasmarinas City, Cavite Lunes ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Julian Dante, 42, may-asawa, Teacher ng EAC at residente ng Brgy San Lorenzo Ruiz, Dasmarinas City, Cavite.
Ayon sa salaysay ng kanyang asawa, huli nitong nakita na naglalakad sa gilid ng kalsada malapit sa ilog sa Block M16 Excess Lot, Barangay Emmanuel Bergado 2, Dasmarinas City, Cavite at simula noon ay hindi na siya umuwi.
Bandang alas-6:30 kamakalawa ng umaga nang nakita ng ilang residentee sa lugar ang bangkay nito na nakalutang sa ilog sa boundery ng Brgy Emmanuel Bergado at Brgy San Lorenzo Ruiz ng naturang Lungsod.
Inaalam pa ng pulisya kung pagkakalunod nga ang sanhi ng pagkamatay nito. (Gene Adsuara).