• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tax Evaders na patuloy na iiwasan ang tax system, pananagutin ng gobyerno- PBBM

PANANAGUTIN ng gobyerno ang mga tax evaders na patuloy na iniiwasan ang tax system sa bansa.
Sa naging talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isinagawang 2025 Bureau of Internal Revenue (BIR) National Tax Campaign Kickoff sa Philippine International Convention Center, araw ng Martes, binalaan ng Chief Executive ang mga tax evaders na pananagutin ang mga ito kapag patuloy na binabalewala ang tax system.
Tiniyak ng Pangulo sa publiko na maingat na sinusubaybayan ng gobyerno ang mga paggasta para protektahan ang public funds.
“I have said this before: We will hold those who continue to circumvent our system accountable,” ang sinabi pa rin ng Punong Ehekutibo.
Ang seremonya ay bilang pagdiriwang sa National Tax Awareness Month.
“And I say this with hope and with sternness—hope that we all see the value in contributing to our country and that the law will deal sternly against those who exploit the system unfairly,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, binigyang diin naman ng Pangulo na ang tapat na tax contributions ang magpapaningas sa isang bagay na mas malaki kaysa sa interest ng isang indibiduwal.
Aniya pa, ang bawat piso na nakolekta ay wastong inilalaan sa mga programa na mapakikinabangan ng mga tao.
“Makakaasa po kayo na mahigpit nating babantayan ang paggugol sa pondo ng bayan. Sisiguruhin natin na ang ating pondo ay magbubunga ng mga proyektong ikakabuti ng ating bansa at ikauunlad ng bawat isang Pilipino,” ayon sa Pangulo.
Samantala, binigyang diin naman ni Pangulong Marcos na nagpapatuloy ang pagsisikap ng pamahalaan para gawing mahusay ang tax collection.
Aniya, maliban sa pagpapatupad, yinakap ng BIR ang ‘transformation to streamline compliance, reduce corruption risks, at enhance taxpayer services’ ng gobyerno.
Inilarawan ng Pangulo ang Online Registration and Update System (ORUS)  ng BIR bilang isang game-changer, pinapayagan ang mga taxpayer na magrehistro ng libro, at rekord ng mga empleyado ng BIR at iproseso ang mga “transfers at document releases.”
“Implementing the Digital TIN IDs has enhanced security and convenience for taxpayers while the Electronic One-Time Transaction (eONETT) System has simplified the processing and issuance of Electronic Certificate Authorizing Registration (eCARs),” ang sinabi ni Pangulong Marcos.