• March 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TATLONG DAYUHANG PUGANTE, INARESTO NG BI

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong dayuhang pugante na wanted sa kanilang mga bansa.

 

 

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente na ang tatlong dayuhan, isang Amerikano, Taiwanese at isang South Korean ay inaresto sa magkakahiwalay na opeasyon ng mga operatiba ng BI’s fugitive search unit (FSU) sa Metro Manila at Pangasinan.

 

 

“They will all be deported for being undesirable aliens and for posing risk to public safety and security.  Afterwards, they will be placed in our blacklist and banned from re-entering the Philippines,” ayon kay Morente.

 

 

Dagdag pa ni Morente na ang tatlong dayuhan ay mananatili sa BI warden facility sa  Camp Bagong Diwa, Taguig City habang ang kanilang summary deportation ng bureau’s board of commissioners ay nakabinbin.

 

 

Kinilala ang Taiwanese  national na si Sie Mu Shi, 32 na inaresto sa Quezon City at wanted ng criminal investigation bureau ng  Taiwan dahil sa illegal possession of  firearms.

 

 

Naaresto rin ang  South Korean national na si  Lee Chungho, 37, sa bisinidad ng BI building  na bukod sa pagiging overstayiong  ay wanted din ng awtoridad ng Seoul  dahil sa panloloko ng halos 15.2 million o US$13,000 sa kanyang mga kababayan.

 

 

Samantala,  sa Dagupan City, Pangasinan naman naaresto ang  American national na si Rexfordgay Sanculi Velasco, 43, dahil sa pagiging overstaying at dating sundalo ng  US marine na wanted sa US Department of the Navy dahil sa pagiging  military desertion. (GENE ADSUARA )