• March 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tatlong dagdag istasyon sa EDSA Busway na nagkakahalaga ng P251.06 M itatayo

NAGKAKAHALAGA ng P251.06 milyon ang tatlong (3) bagong istasyon sa EDSA Busway ang itatayo ngayon 2026 matapos ibigay ang notice of award ng Department of Transportation (DOTr) noong December 29, 2025. Nakuha ng Unimasters Conglomeration Inc. ang notice of award upang maglagay ng 3 bagong istasyon sa Cubao, Magallanes at Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
“The contract was priced at P264.86 million but Unimasters submitted an offer of P251.06 million, enough to be chosen as the single calculated and responsive bid,“ wika ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Gionvanni Lopez.
Ang Unimasters ay isang kumpanya na may tanggapan sa Tacloban. Sila ay inatasan na tapusin ang proyekto ng isang (1) taon kung saan ito ay sisimulan ngayon unang quarter ng taon. Umaasa naman ang DOTr na matatapos ang proyekto bago matapos ang taon. Katatapos lamang ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang rehabilitasyon ng bahagi ng Roxas Boulevard hanggang Orense ng busway na tamang-tama sa nakaraang holiday season. Natapos ang paglalagay ng asphalt overlay sa pagitan ng Roxas Boulevard sa lungsod ng Pasay at Orense sa lungsod naman ng Makati para sa pag-aayos ng EDSA.
“The reopening has allowed carousel buses to traverse the northbound and southbound sections of the busway all throughout again. We thank the DPWH, under the leadership of Secretary Vince Dizon, because they finished the rehabilitation works on the busway quickly. Pinaalalahanan ni Lopez ang mga motorista na ang mga pribadong sasakyan ay bawal gumamit at dumaan sa busway at binigyan sila ng babala na may kaukulang multa ang mga hindi susunod. Sinabi rin niya na ang busway ay kasama sa No Contact Apprehension Policy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Noong nakaraang taon ay sinimulan ng DOTr ang P247.59M na unang bahagi ng rehabilitasyon kasama ang istasyon ng Monumento, Bagong Barrio, North Avenue, at Guadalupe. Kasunod nito ay ang P87.33 milyon na proyekto upang gawin ang busway stop at reconstruction ng kontrobersyal na Kamuning footbridge na matatapos ngayon unang quarter ng taon. Ang Unimasters na gagawa ng 3 karagdagang istasyon ng EDSA Busway ay pinamumunuan ni Engr. Wilson Chan na gumawa ng iba’t ibang proyekto sa DPWH sa mga lansangan at kalsada sa bansa. Kasama ang proyekto na ginawa ng Unimasters ay ang pagpapalawak ng Sangley Point Airport noong panahon ni dating President Duterte. LASACMAR