• March 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tatlong bagong Deputy Speakers, inihalal

TATLONG bagong Deputy Speakers ang inihalal ng Kamara sa isinagawang plenary session nitong Miyerkules.
Ang tatlong bagong lider ay sina Pangasinan Rep. Maria Rachel Arenas, Cebu Rep. Vincent Franco “Duke” Frasco at Bacolod Rep. Alfredo “Albee” Benitez.
Ang Deputy Speakers ay ang ikalawa sa pinakamataas na ranking officials sa kamara at nagsisilbing presiding officer sa plenary proceedings kapag wala ang Speaker. si South Cotabato Rep. Ferdinand Hernandez ang kasalukuyang Senior Deputy Speaker.
Kabilang sa tungkulin ng Deputy Speakers ang mag-monitor, mag-coordinate at mag-facilitate ng aksyon sa mga inihaing panukala, requests at iba pang usapin na inilahad ng mga miyemrbo ng Kamara kaugnay sa kani-kanilang constituent.

Habang ang iba pang Deputy Speakers ay sina Iloilo 1st District Rep. Janette Garin, Lanao Del Sur Rep. Yasser Alonto Balintong, La Union Rep. Francisco Paolo Ortega V, Zambales Rep. Jefferson Khonghun, Ilocos Sur Rep. Kristine Singson-Meehan, Antipolo Rep. Ronaldo Puno, Iloilo 4th District Rep. Ferjenel Biron, TUCP Partylist Rep. Raymond Democrito Mendoza, Misamis Oriental Rep. Yevgeny Vincente Emano, at Quezon Rep. David “Jayjay” Suarez.

Sa pamamagitan ng kanilang pasilitasyon sa plenary discussions, nagawa ng kamara sa ilalim ng liderato ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III, na maipasa sa ikatlo at pinal na pagbasa ang 17 sa 52 priority measures na tinukoy ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) bago mag-recess.

Kabilang na rito ang House Bill (HB) 8418, na nagbibigay kapangyarihan sa Presidente na suspendihin ang koleksyon ng excise tax sa oil products sa panahon ng emergency; HB 8477, o Presidential Merit Scholarship program act; HB 8468, para sa paggamit ng digital payments sa government transactions; HB 8389, o anti-political dynasty bill, at iba pang panukalang batas.
Magbabalik ang sesyon ng Kamara sa Mayo 4, 2026. (Vina de Guzman)