Tanggapin sana ang hamon at ‘wag umatras: SAM, handang-handa na makipag-debate kay ISKO
- Published on April 17, 2025
- by @peoplesbalita
HANDANG-HANDA at hindi uurong si Manila mayoral candidate Sam Verzosa na makipag-debate sa kanyang mahigpit na katunggali na si Isko Moreno.Sagot ni SV nang matanong sa Pandesal Forum na na ginanap sa Kamuning Bakery na pag-aari ni Wilson Lee Flores, “kung magkakaroon man if ever ng debate, may mag-o-organize na mga grupo ay handa po tayong lumaban at sumagot.” Dagdag pa niya, “Sabi ko nga po, kailangan magkaroon ng forum o talakayan para malaman ng mga tao ang plano ng bawa’t isa. Importante yan na makilala ng mga tao ang mga kandidato at ang kanilang mga plano. Bukod doon sa salita, maramdaman nila kami. Marami kasi ang magagaling magsalita at matatamis ang dila. Sasabihin lang nila yung gusto ninyong marinig. Pero noong nabigyan naman sila ng pagkakataon, hindi naman nagawa.Kaya napaka-importanteng marinig at magkaroon ng debate para malaman ng tao kung sino ba talaga ang nagsasabi ng totoo, ng tapat at naayon sa kanyang puso at may magandang plano sa mga Manilenyo. “Kaya sana po magkaroon ng debate. At gusto lang sabihin na hinding-hindi ko po aatras dyan. Anytime, anywhere, haharapin ko si Isko sa isang debate. Pahayag pa ng dating congressman, Sana po huwag kayong umatras sa isang matalinong pagde-debate. Hindi ito personalan. Ito po ay para sa kinabukasan ng mga Manilenyo para pag-usapan ang mga plano namin at ano ang kaya namin gawin. Ano ang kaibahan mo sa dati at masagot na lahat ng mga issue sa Maynila. Ang request ko lang po sa kanya, sana huwag kang umurong at harapin natin ang mga Manilenyo.“Para malaman kung sino po ang karapat-dapat at may kakayanan talaga na magdala ng pag-asa at pagbabago sa Maynila.Natutuwa naman si Sam na muling tumaas ang puntos niya sa latest surveys.Kaya say pa niya, Konting kembot na lang. Maraming salamat sa inyong tiwala. Gusto ko lang sabihin na iaalay ko ang lahat ng nasa akin para sa lahat ng Manilenyo. Wala akong plano bumawi once elected. Hindi ko kailangan ang yaman ng Maynila dahil hindi sa pagyayabang, lubos-lubos na po ang biyaya ko mula sa itaas. Gusto kong naman i-share kung ano ang meron ako sa mga taga Manilenyo at makapag-silbi ng buong puso.”Pinagdiinan din ni SV, na isang beses lang niyang gagawin ang pagtakbo bilang Mayor ng Maynila, at nakahanda sa magiging resulta ng eleksyon sa Mayo.“Alam n’yo naman ang mangyayari sa Manila pag sila ulit. Walang nangyari sa Maynila, lalong naghirap. Kaya sabi ko, paisa lang, bigyan n’yo ako ng pagkakataon, ipapakita ko na posible ang pagbabago sa Maynila.“Kung meron mang panahon kung puwedeng magbago sa Maynila, ito na po yung panahon.“Minsan ko lang iaalay ang sarili ko, hindi na po ito mauulit. Hindi ako tulad ng ibang pulitiko na pag natalo sila, tatakbo ulit. “Hindi po madali ang ginagawa ko at ngayon ko lang ibibigay lahat. Sana po, wag nating sayangin, para sa mga anak at apo ninyo. Ang boto n’yo po ay hindi para sa akin, para po ‘yun sa kinabukasan ng pamilya n’yo.”(ROHN ROMULO)
https://peoples-balita.com/wp-content/uploads/2025/04/099707ac-806e-424a-ac17-c44118b12b78-1.jpg