• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 10:53 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tampok ang SB19, BINI, G22 at iba pa: ‘Puregold OPM Con 2025’, pinakabonggang selebrasyon ng musika sa taong ito  

MAGLILIWANAG ang Philippine Arena sa darating na Hulyo 5 para sa Puregold OPM Con 2025, isang pista ng musika na kasalukuyang pinasasabik ang karamihan–at inaabangan ng mga fan mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

 

May mga ulat ng mga concert-goer na lilipad mula Singapore at United Arab Emirates, at mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagbabalak na umuwi para sa okasyong ito. Ang inaabangang OPM Con ay magiging engrandeng pagtitipon at pagbabalikbayan sa isang malaking pagdiriwang.

 

Sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, nararamdaman na ang kasabikan para sa festival. Sa mga Puregold branches sa Butuan, Bacolod, at Leyte, agaran ang pagkaubos ng tickets, at kasabay nito ang mga pasaherong nagbu-book na ng mga biyahe, mapa-eroplano o malalayong bus, para makisaya sa makasaysayang pangyayari.

Inaasahang magtitipon sa Philippine Arena ang mga tagahanga at lokal na turista upang maranasan ang isang konsiyerto na global ang laki at saya.

 

“Binuo namin ang Puregold OPM Con 2025 bilang handog sa aming mga suki at tagahanga ng OPM,” ani Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold. 

“Asahan ninyo ang isang bigating linya ng mga pagtatanghal na magpapatibok ng puso ng lahat. Tagahanga ka man ng bagong artista o lumaki sa klasikong OPM, inaanyayahan ka namin sa makasaysayang pista ng musikang ito.”

 

Saan man dalhin ng alon ng kasikatan ang event na ito, malinaw ang mensahe: patunay ito sa lakas ng retailtainment ng Puregold—at sa pagsasanib ng puso, kultura, at husay sa entablado. 

Sa mga tampok na pagtatanghal, mga pinakamalalaking pangalan sa OPM tulad ng BINI, Flow G, G22, KAIA, SB19, Skusta Clee, at SunKissed Lola.

Layunin na gawing abot-kamay ang world-class na pagtatanghal para sa bawat Pilipino, ang OPM Con 2025 ay hindi lamang nakikita bilang konsiyerto ng taon, isa rin itong pagdiriwang ng ating pagkakakilanlan.

 

Habang papalapit ang Hulyo, siguradong nakatutok ang buong mundo.

 

Para sa iba pang updates, i-follow at mag-subscribe sa Puregold Channel sa YouTube, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, at i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at @puregoldph sa TikTok.

(ROHN ROMULO) 

.