• April 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Talon ni Obiena kasing kinang ng ginto!

MULING ipinakita ni Ernest John Obiena ang kanyang pagiging isang elite athlete nang maglista ng bagong Philippine indoor pole vault record at angkinin ang silver medal sa World Athletics Indoor Tour Silver sa Rouen, France.

 

 

Itinala ni Obiena ang 5.91 meters para burahin ang dati niyang national mark na 5.86m sa Orlen Cup sa Lodz, Poland noong PebĀ­rero ng 2021.

 

 

Si American Christopher Nilsen ang umangkin sa gold medal ng torneo sa France sa nilundag na 6.05m habang nakuntento si 2016 Rio de Janeiro Olympics champion Thiago Braz (5.91m) ng Brazil sa bronze medal.

 

 

Pinilit ng Southeast Asian Games at Asian meet record-holder na si Obiena na makuha ang 6.01m, ngunit nabigo siya sa tatlong attempts.

 

 

Mas maganda rin ang 5.91m ng 6-foot-2 na si Obiena kumpara sa naiposteng 5.81m sa Orlen Cup at Orlen Copernicus Cup na idinaos sa Poland noong nakaraang buwan.

 

 

Wala pang katiyakan kung makakasali si Obiena sa World Indoor Championships sa Belgrade, Serbia sa Marso 18-20 dahil hindi pa siya nakakakuha ng endorsement sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).