• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 3:32 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Taliwas sa bali-balitang nag-react sa kanyang look: Pagganap ni BEA sa ‘Start-Up PH’, approved sa mga Korean producers

ITINANGGI na nga ng isa sa executive ng GMA Entertainment Group ang akusasyon ni Manay Lolit Solis na nag-react daw ang Korean producers ng “Start-Up’ sa look ni Bea Alonzo na bidang babae sa Pinoy adaptation ng serye.

 

 

Ayon Vice President for Drama Production na si Ms. Cheryl Ching-Sy, “it is not true. The Korean producers of Start-Up did not react to Bea Alonzo’s look or appearance in her role.

 

 

“Bea, in fact, was approved by the Korean producers. Should there be further insinuations pertaining to his matter, we wish to clarify that these are not true.”

 

 

Meanwhile, malapit nang mapanood ang matagal nang hinihintay na “Start-Up PH.” Ito nga ang first team-up nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Bea sa GMA Network.

 

 

Kasama rin sa cast sina Yasmien Kurdi at Jeric Gonzales, Kim Domingo, Royce Cabrera, Boy 2 Quizon, at si Ms. Gina Alajar.

 

 

“Start-Up PH” is a unique story about dreaming and loving, at world premiere na this September sa GMA Telebabad.

 

 

***

 

 

PAALIS na si Alden Richards para sa US tour ng “ForwARd Concert”.

 

 

As the concert-producer, hands-on si Alden sa preparations para sa concert at may last say sa mga magaganap. Sa interview sa kanya ng GMA Pinoy TV, ito raw ang una niyang live performance sa stage, after three years, “May pressure pero excited na rin dahil makakasama ko ang mga kapwa-Pinoy natin sa abroad.”

 

 

Naka-schedule ang concert ni Alden sa San Mateo, California on September 3, sa The Events Center, Harrach’s Resort Southern California on September 4, at ang third stop nila ay sa Saint Eugene Parish Shaunessy Center, in Chicago, on September 10.

 

 

***

 

 

ISANG beautiful experience ang naranasan ni Kapuso actress Jillian Ward, kasama si Kapuso actor Richard Yap, nang sumabak sila sa medical trainings para sa GMA Afternoon series na “Abot Kamay na Pangarap.”

 

 

Kasama rin nila ang ibang cast members na sina Andre Paras at Kazel Kinouchi para sa kanilang mga characters na gagampanan. Si Richard ay si Dr. RJ Tanyag at si Jillian naman ay isang genius young surgeon.

 

 

Ipinakita ni Jillian sa kanyang IGS, ang ilang photos habang siya ay nasa loob ng operating room ng isang ospital na pinanood nila ang live brain surgery, kasama si Richard.

 

 

Kasama rin nila sa serye si Carmina Villarroel bilang loving mom ni Jillian, na sa kabila ng wala siyang alam, dahil hindi man lamang siya marunong magbasa, ay tinulungan ang anak na maabot ang pangarap nito.

 

 

Last July ay nagsimula na ang kanilang lock-in taping at sa September 5, ang world premiere nila, 2:30 p.m., sa GMA-7, Mondays to Saturdays, pagkatapos ng “Eat Bulaga.” Papalitan nila ang “Apoy sa Langit,” na simula na ng finale week nila ngayong hapon.

 

 

 

(NORA V. CALDERON)