Tahimik ngayon sa kanyang social media posts: ALJUR, naapektuhan sa pagkatalo sa 2025 midterm election
- Published on May 30, 2025
- by @peoplesbalita
Tila apektado ang hunk actor sa kanyang pagkatalo sa 2025 midterm election. Tumakbong councilor ng Angeles, Pampanga si Aljur ngunit bigo siya sa unang pagsubok sa pulitika.
Ang sipag-sipag niya dating mag-post at mag-upload ng kanyang activities kasama ang mga anak kay Kylie Padilla na sina Alas at Axl.
Madalas din siyang mag-upload ng videos nila ng live-in partner na si AJ Raval na sabay na nagluluto at naglilinis ng kanilang bahay at bakuran.
Bakit ba kasi ngayon lang naisipan ni Aljur na kumandidato?
Dapat noong panahon ng kasikatan niya sa GMA Network. Sigurado win siya.
***
First leg ng bar tour ng Bodies Next Gen, ngayong May 31 na
LAST March, lang inilunsad ng WaterPlus Productions ni Mayora Marynette Gamboa ang mga bagong alaga na Bodies Next Gen na binubuo nina Bodi Iris, Bodi Tia, Bodi Wendy, Bodi Kesha, Bodi Selin, Bodi Darra, Bodi Dior, Bodi Jade at Bodi Amarra.
Sunod-sunod na ang mga show ng newest all-female sexy group. Naging guest sila sa campaign ng isang Party-list.
At kinukuha rin ang serbisyo nila ni Sam Versoza but for some reason ay hindi ito tinanggap ni Mayora Marynette na magalang namang nirespeto ni SV.
Ngayon ay mag-uumpisa na ang bar tour ng Bodies Next Gen.
Ang first leg nito ay mapapanood ngayong May 31 at 9 PM sa Viva Cafe, Ground Floor of CyberPark Tower 1, Araneta City Cubao, QC.
So get ready to slay!
For tickets, call: 0917-5417543 and 09175118337.
May niluluto ring movie project si Mayora Marynette sa mga alaga niyang ito.
(PETER S. LEDESMA)